Mag-ingat kayo sa mga haka-haka at tsismis – 73

Ika-25 ng Marso, 2011 14:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad No.73

Mag-ingat kayo sa mga haka-haka at tsismis

・”Isasagawa ang nakatakdang brownout sa buong Japan, hindi lang sa sakop ng Tokyo Electric Power Company.”
・“Ititigil ang pagpapadala ng mga relief goods tulad ng pagkain at gasolina.”
・“Maraming mga masasamang gawain ang nangyayari tulad ng pagnanakaw ng relief goods.”
・“Dapat inumin ang mouthwash o gamot na pang-mumog para iwasan ang paghahawa ng radiation.”

Ang mga ito ay hindi totoo at haka-haka o tsismis lamang.
Maraming boses ang dumarating galing sa iba’t ibang bansa na nagagandahan at hinahngaan sila sa napaka disiplinado, maayos at hindi magulong ugali ng mga nasalanta sa Japan.

Huwag kayong maniwala sa mga impormasyong walang katotohanan at haka-haka, importante na palagi ninyong subukang kumuha ng tama at totoong impormasyon.

【Para sa karagdagang impormasyon】
 The multilingual support center for the Tohoku Earthquake out at Pacific Ocean
  email :tabumane110311@yahoo.co.jp

Back to Home | Back to Tagalog.