Bigyan ng kaukulang pansin at kalinga ang mga bata – 102

Ika-6 ng Abril 2011
Tungkol sa kalamidad No.102

Bigyan ng kaukulang pansin at kalinga ang mga bata

Unting-unting bumabalik sa normal ang mga lifelines at medyo umiinit ang panahon. Sa ganitong klima, unti-unti ring gumagaan ang kalooban ng mga tao.
Ang tagsibol ay panahon ng pagsisimula ng bagong semestre at bagong buhay.
Sa ganitong panahon, karaniwang pinapalakas ang loob ng mga matatanda ang mga bata sa laging pagsasabi sa kanila ng “Ganbare! (Magsikap Ka!)” para mas lalo pang maging masigla ang kalooban ng mga bata.
Pero ang mga batang apektado ng kalamidad ay hindi pa masyadong panatag ang kalooban dahil sa kanilang karanasan.
Dahil dito mas maiging huwag masyadong sabihan ang mga bata ng “Ganbare” o “Malungkot kaming nakikita kang hindi masigla”. Minsan kasi pag naririnig nila ang ganito ay nagsisikap ng sobra ang mga bata. Nababagabag ang mga bata dahil hindi nila mailabas ang kanilang totoong saloobin, para hindi mag-alala ang mga matatanda. Bigyan sila ng kaukulang pansin, kalinga at pasensya. Pakingan ng mabuti ang mga bata kapag nagsasalita sila at tangapin ng mabuti ang kanilang mensahe.

【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

Back to Home | Back to Tagalog.