Mag-ingat sa mga panloloko – 126

Ika-20 ng Abril, 2011 18:00
Impormasyon tungkol sa kalamidad mula sa The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
Filipino No.126

Mag-ingat sa mga panloloko

Kapag nagkakagulo ang kalipunan katulad ng matinding lindol, madalas mangyari ang masamang negosyo na gumagamit ng sakuna, at panloloko na gumagamit ng pusong nag-aalala o kabutihan ng tao. Mangyayari ang mga ito hindi lamang sa lugar na naapektahan kundi rin sa malapit na lalawigan.

Ganito ang mga halimbawang kaso. Mag-ingat kayo na hindi maloko.

○ Huwad na “Gien-kin
Nagtatangkang kumuha ng pera nang nagsasabing sila’y taga-institusyon, katulad ng “Japan Red Cross” o iba pa.

○ Panloloko ng pagaayos ng bahay
Nagsasabing “Kailangang ayusin agad” at iba pa, at magpapakontrata ng malaking halaga sa pamamagitan ng pag-aalala ng tao.

○ Pagbebenta ng kinakailangan sa mataas na presyo
Nagbebenta ng mga kinakailangan sa pamumuhay katulad ng battery, gasolina at iba pa sa matataas na presyo nang nagsasabing “Mawawala na ang mga ito.”

○ Huwad na Volunteer
Nagkukunuwa silang volunteer at nagtatanong “May problema ba kayo?” ngunit mamaya, hihingi sila ng malaking bayad.

Pagka napkapansin kayo ng nakakapagtakang gawain o napaloko, sumangguni agad sa tanggapan ng munisipyo, pulisya o iba pa.
 
【Para sa karagdagang impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

Back to Home | Back to Tagalog.