Pagutos para sa emergency evacuation – 29

Ika-15 ng Marso, 2011 11:45
Impromasyon tungkol sa kalamidad

Pagutos para sa emergency evacuation

Bagamat ang lahat ay nasa mahirap na kalagayan, magtulungan tayo sa isa’t isa. Huwag mawalan ng pag-asa. Nagsisikap ang pamahalaan at munisipalidad para ayusin ang mga problema.
Nag- anunsyo ang pamahalaan ng mga sumusunod na pag-uutos noong 11:15am ng March 15.
■Mag-evacuate ang mga naninirahan sa loob ng 20KM mula sa Fukushima Daiichi nuclear plant.
■Ang mga naninirahan sa 20-30KM mula sa Fukushima Daiichi nuclear plant ay
①Hindi dapat lumabas.
②Huwag magbukas ng bintana at pintuan. Iwasan ang pagpasok ng hangin mula sa labas.
③Huwag magsampay ng labahan sa labas ng bahay. At huwag ipasok sa loob ng bahay ang mga sinampay na galing sa labas.
Hindi dapat lumabas, pero kung talagang kailangang lumabas, takpan ng basang tuwalya o panyo ang bibig at ilong.
Ito ang mga dapat gawin ayon sa kasalukuyang nagyayari sa Fukushima Daiichi nuclear plant.
Nakakalat ang radiation sa loob ng Fukushima Daiichi nuclear plant. Pero huwag mag-panic, ang radiation ay mas mahina kung mas malayo sa nuclear plant.
Ang mga lugar na 20-30km mula sa nuclear plant ay ang mga susunod;
Tamura-city, Minamisouma-city, Kouno-cho, Naraba-machi, Tomioka-cho, Sendai-mura, Ookuma-cho, Futaba-cho, Namie-Machi, Kuzuo-mura, Iitate-mura, Iwaki-city
【Para sa Karagdagang Impormasyon】
The multilingual support center for the Touhoku Earthquake out at Pacific Ocean
email:tabumane110311@yahoo.co.jp

Back to Home | Back to Tagalog.